Liham kay Binibini & Ginoong call center agent


[ Note : konting-konti na lang duduguin na po ako.  Thanks in advance for reading ! ]

Dear Ms and Mr call center agent :

SINIKAP kong umiwas gamitin ang wikang banyaga dahil medyo maselan itong paksang hinain ko.  Pinapaalala ko lang na dati nang baluktot ang aking log-Taga and kung si Gat Joey ang batayan, matagal na akong mas mabantot sa malansang galunggong. Halos nabaon ko na rin sa limot ang Bikol ng aking kamusmusan at matagal ko nang tinabla ang mainit na pag-anyayang pagsasanay ng Cebuano at Ilokano sa aming kapatiran.  🙂 Pipilitin ko pa rin, paumanhin na lang kunsakali…

***               ***               ***               ***               ***

Una sa lahat tinitingalaan naming mga kabayan nyo kayong mga call center agent bilang mga bayani ng bagong milenyo.  Dahil sa inyong angking talino, likas na talento at katutubong diskarte, di nyo na kinailangang mangibang bayan pa para payamanin ang Inang Bayan.  Sa pamamagitan ng inyong pawis at dugo, pinatataba nyo ang Kabang Bayan, umasenso ang komersyo, at nabibigyang pag-asa ang susunod na salinlahi nating mga Pinoy.

Bilang pabuya sa inyong pwersa at kayod, di naman kayo napapabayaan sa pag-aaruga ng inyong mga pamilya.  Madalas ay nabibiyayaan kayo ng higit pa sa kaukulang sahod at insentibo kapalit ng inyong galing mag-Ingles and pakikitungo sa mga banyagang kausap sa Avaya.

***               ***               ***               ***               ***

Dito sana ako tatawag ng kaunting pansin kung inyong mamarapatin.  Nung nakaraang linggo ay may lumabas sa pahayagang internet na may isang tumawag sa call center para magbayad ng phone bill, napilitang magbigay ng credit card number at mga detalye.  Sa kanyang susunod na statement, sinawing palad at nabill sya ng NZ$1500 sa transaksyong ginawa sa piso.  Iimbestigahan pa ang insidente pero ayon sa call center, di ito ang unang pagkakataong naabuso ang pagtiwala ng kliyente sa ahente.

At yun na nga ang susi sa buong usapin ng call center o business process outsourcing na sobrang biyaya ang naidudulot sa atin.  Tiwala o pahintulot na binibigay ng isang tao sa pangalawa para hawakan ng huli ang pag-aari ng una.  Ito ang ugat ng halos lahat ng transaksyon ng call center, outbound man o inbound.  Kapag nawala ang tiwala ng tao sa call center agent, malalagay sa peligro ang buong industriya sa Pilipinas na binubuo ng mahigit-kumulang 30,000 agents, na kumikita ng halos US$12.2 bilyon sa bayan, negosyo at sambayanan.

Sapaw nito ang usaping hanapbuhay o industriya na kinakasangkapan ng libu-libong Pinoy at kanilang mga pamilya.  Imahe natin at magandang pangalan ng Pinoy bilang global citizen ang nakakabit sa reputasyon ng industriyang call center.

Tulad ng bawat hagupit ng kamao ni Manny P, at bawat nota na binibirit ni Charice, tinataguyod natin ang galing at sipag ng Pinoy sa lahat ng ating gawain , bilang OFW, call center agent, caregiver, nurse, seaman, construction worker o anu pa man ang trabaho natin.

Walang singsarap ang marinig ang puri sa atin lahi twing may nagagawa tayong tama, galing o ganda.

Sa kabilang dako naman, walang sing asim o pait kapag may narinig tayong puna o batikos tungkol sa ating kahinaan sa tukso, katusohan o kagulangan.

Mabuhay kayong lahat !

Advertisements

8 thoughts on “Liham kay Binibini & Ginoong call center agent

  1. Noel, mahusay naman ang iyong log-Taga, nasisiyahan pa rin akong basahin ang iyong “blog”. Nakalulungkot lang malaman ang di kanais nais na pag-uulat tungkol sa ating bayan at sa ating kababayan. Sana di na maulit pa ang ganitong pangyayari. Kahit malayo pa, di ko maiwasang di ma-apektohan. Salamat sa iyong mga pagsusulat.

    • 🙂 maraming salamat Malou and sa mainit mong pagbati at papuri, nawa’y di na nga maulit itong insidenteng nakakabagabag sa bawa’t Pinoy sa luob at labas ng bayang minamahal. Walang anuman po. Regards to the family !

  2. Noel, nakakalungkot talagang malaman at maibalita ang ganitong mga pangyayari. Ako din ay nagtrabaho sa call center – “telecommunications” at iba ang aking pakiramdam pag ganito ang nababalita. Alam ko kung papaano bigyan ng financial na pabuya ng kumpanya subalit merong yata talagang tao na hindi makuntento gaano man kalaki ang perang kinikita at pag natukso ay gagawa ng hindi maganda. Ang call center agents ay mas malaki pa minsan ang kinikita kaysa sa ibang propesyon. Anupaman ang kahinatnan ng imbestigasyon, nawa ay mas dumami ang gagawa ng mabuti at huwag magsawa sa paggawa ng mabuti para sa ikabubuti ng imahe nating mga Pilipino. Mabuhay po kayo at ingat lagi.

  3. “Imahe natin at magandang pangalan ng Pinoy bilang global citizen ang nakakabit sa reputasyon ng industriyang call center.”

    We were serving our tour of duty side by side on an Avaya five years back. Its a shame to hear this kind of unsavory act.
    I thank you for sharing. More power man… err… mate! From Nigeria (NG) to NZ.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s