on proud dads and budding poets


[ Note : I swear (although it’s bad to swear) it wasn’t my intention to engage in self-serving puffery or boastfulness, but Bunso just did something way cool.  So cool in fact that I had to re-post it in its entirety, no explanatory preface needed (except these breaths that I’m wasting now)By the time I’ve finished posting I will have found a picture of the author somewhere here, hope you enjoy it (his work) as much as I have, thanks!]

I made a Poem as my project for my Filipino 11 class (Panitikan) I want you guys to read it and rate it from 1 to 10, with 1 being the lowest and 10 the highest just to expect what grade my teacher might give me 😀 God bless! P.S be brutally honest.

Pilipinas

-Brent B

Pilipinas ang ating bayang minamahal at

Bayang kailan ma’y di magkukulang sa dangal

Panahon pa ng ating mga ninuno

Sa atin ‘to, satin’ mga Pilipino

Ang ‘Perlas ng Silanganan”Ay puno ng karangalan

At kailan ma’y di nawalan ng kagitingan

Ating inang bayang handa nating ipaglaban

Pilipinas ay puno ng kayamanan

Nandito lahat ng ating kailangan

Ang tubig at mga pagkain

Kay dami sa ating lupain

Maghanap-hanap ka lamang

Ito’y iyong makakamtan

Sa kasalukuyan tayo ay moderno

Bumuti ang buhay ng lahat ng tao

Puno ang bayan ng pagbabago

Gawa na din nating mga tao

The damage from careless dumping of garbage will span at least two generations

Ngunit itong ating tahanan

Tila ating hinuhubaran

Tayo’s nasa daan patungo sa kaunlaran

Kasama nito’y pagkasira ng kalikasan

an oil slick bird

Tayong mga tao’y di na natuto

Noon pa man ay wala ng respeto

Ang kalikasan ay ating ginago

Pati mga hayop tinarantado

Sabi natin tayong mga tao’y matatalino

Kelan ba natin to gagamitin para sa mundo

Ang Pilipinas, inabuso ng mananakop

Wari ito ay binastos at tinanggalan pa ng saplot

Ang mga anak nito’y ginalit at tinakot

Inalila, sinaktan tinrato masahol pa sa hayop

So much to steal and so little time...

Ngayon tayo nga ay malaya

Diwa naman natin ay sira

Kapangyarihan ay hawak ng iilan

Karamihan pa dito ay mayayaman

Ninanakawan ang kaban ng bayan

Mga mahihirap ay walang laban

Kaya ang ating bayan ay puno ng kahirapan

Sari-sari nating problema ay di’ maagapan

Mga politiko walang tigil sa pagkurakot

Di’ titigil hanngang lahat ay kanilang nahakot

Tayong Mga Pilipino ay nananatiling matatag

Mga Pilipino ay may sipag at tiyaga

Tayo ay babangon mula sa pagkakadapa

Daan patungong kinabukasan tayo ang maglalatag

Kailangan lang natin ay pagtitiwala

Tiwala sa ating mga kapwa

Mga problema ay mawawala

Mga isip natin ay huwag nating isara

Ang bayan natin ay puno ng pag-asa

Dahil bawat bukas ay bagong umaga.

________

Hope you enjoyed it! just comment your rating please. It would be much appreciated 😀 Thanks!

*         *         *         *        *

Thanks for reading, and in case you’re wondering, he gets it entirely from his mother. 🙂

Noel

Advertisements