Puna’t Puri ng Kabayang Naligaw sa Middle Earth


[ Notes from YLB : Thanx 4 that heartfelt shoutback Melanie, your dad doubtless sees you now and is smiling at you; we take exception to speculation that the ex NBA Champs BostonCeltics are getting long in the tooth, but we can’t deny that we saw with our very eyes that Kevin Garnett was beaten by his man 2 out of 3 fastbreaks late in the game, & Paul Pierce admittedly is slowed down by injury… sorry kung makulet, but pls tell us, any1 out there, why a team that has a $100 million payroll can’t afford more than one true point guard??? …we know the heat / humidity are just starting to rev up back home kabatch,& we feel your glistening sweat, wish we could absorb some of the chill in colder climes elsewhere & toss it back 2u…  sorry 4 d longish pamagat, it started out as a working title and kinda grew on us… Please tell us (1) how we sound in Taglish below, and (2) if anyone else wants a link to his business / networking website from YLBnoel.wordpress.com, just send us a buzz; thanx for the philstar.com and inquirer.net kudoses, BrotherKirby, awesome pix  in VeepCarol’s place of the shindig with AndyLim ! ]
 
Dear Mahal :
 
Salamat kay God Mahal at naayos rin ang papel mo finally. Parang di ko maimagine na after four years masusundan mo na rin ako rito.  Napabilib mo ako sa tyaga at patience mo sa paghihintay at paghain ng visa application, alam ko masalimuot proseso nya pero natapos mo rin nang maayos di ba?
 
Mangilan-ngilan lang naman mga paalala at reminder ( pareho lang ) sa yo para di ka magulat pagdating mo rito sa ating temporary adopted land :
 
1.  Siguro ito ang pinakamahalagang paalala Mahal, pagtawid mo ng kalye rito, titingin ka muna sa KANAN at hindi sa KALIWA. Paglampas mo ng gitna, sa KALIWA ka naman magmamasid. Ewan ko bakit ganito ang pamamalakad nila rito, pero may kinalaman ito sa RIGHT HAND DRIVE o paglagay ng manibela sa kanang bahagi ng sasakyan.  3 taon na ako rito at nagkakamali pa rin ako twing tumatawid, minsan kapag minamalas, ngali-ngali na akong masagasaan; nasisigawan at minumura pa rin ako ng mga drayber.  Mas grabe minsan si Kuya Flatmate, binubuksan pa rin nya minsan ang passenger side ng car nya at napapasigaw nang, nakupo, ninakaw ang manibela bago sya matawa at makitang mali na naman ang bukas nya ng pinto.
 
2.  Kakaiba ang accent ng mga Kiwi at Maori ( tribu ng katutubo ) rito Mahal, palibhasa nasanay tayo sa American accent na mahahabang vowel at nakabuka ang bibig madalas, wag kang magulat sa pananalita nila. Minsan me pagkaBisaya sila magsalita, minsan naman parang Ilokano.  Wag kang matawa Mahal, bagkus pakinggan mo sila nang mabuti at sanayin mo ang sarili mo sa mga impit nila.  Madalas, malumanay sila magsalita, parang Ilonggo at minsan ka lang makakaranas ng taong di sanay sa banyaga tulad natin (tayo na ang banyaga rito ha?).  Merun din namang mga salbaheng intolerant at wag naman sanang racist pero kakaunti lang sila.
 
3.  Kaya ko po pinaalala sa yo na magdala ka na ng mga toiletries dahil como mataas ng bahagya ang sweldo rito, mataas din ang halaga ng mga produkto nila lalo na mga gamit sa katawan tulad ng shampoo, conditioner, jabon at deodorant, atbp.  Para sa kanila ay katanggap2 lang ang presyo pero for us in the Philippines, hihimatayin ka.  Kaya yung mga pinakamaselan mong gamit, bilhin mo na dyan, mga 1 buwang supply.
 
4.  Wag ka ring mamangha kapag may nakikita kang mga Kiwi (yun pala ang tawag ng mga puti sa sarili nila) na parang mas mahal pa nila ang mga alaga nilang hayop kesa sarili nilang uri.  Aso, pusa at kung anu-ano pa, sobrang malapit sila sa mga ito at higit pa sa pangu2lila nararamdaman nila kapag nawala o namatay ang mga ito.  As you might expect, tiba-tiba mga veterinarian o manggagamot ng mga hayop dito, pero kadalasan pet lover din sila; halos atakihin nga sila nung sinabi ko na sa dakong Norte natin, kinakain pa ang aso at minsan pusa.  Hindi ito biro para sa kanila, muntik na akong sapakin ng bisor ko.
 
5.  Dahil summer ang dating mo rito, baka manibago ka rin sa Haring Araw na sumisilip pa rin sa kanluran dakong mga 830 n.g., extremes kasi yan. Pagdating naman ng winter, halos alas ocho na n.u., pero pababa pa lang ang buwan at lumiliwanag pa lang.  Malayo kasi tayo sa equator Mahal kaya either masyadong mahaba or masyadong maigsi naman ang araw.
 
6.  Kung tutuusin Mahal mas swerte ka pa nga sa akin, dahil open ang WP mo at pwede kang magtrabaho kahit kenino, basta nakursunadahan nila abilidad mo. Ayusin mo lang ang pakikitungo mo sa kanila, mga magiging boss mo, at siguradong magkakasundo kayo.
 
7.  Lastly, di naman sa tinatakot kita, nagaalinlangan din ako minsan, pero ang mga puti rito ay madaling magkagusto sa Asyana, lalo na sa mga Pinay.  I’m sure nabalitaan mo bout mga internet dating service para sa mga puti, ang una nilang hinahanap bukod sa mababangong bebot ay yung mga magagaling magluto, marunong mag-alaga at katamtaman sa katawan.  Ed diba ganon karamihan ng mga kalahi natin?  So there, mag-ingat ka na lang at wag kang magpaligaw rito hmm?    Siguro, ako dapat ang matakot.
 
Naku, I’m sure every day will be an adventure for you here Mahal, nagpapasalamat ako na at least makikita mo ang lahat na dati’y kwento ko lang sa mga chat natin pero ngayon ay mararanasan mo nang 3D, high def at THX-sensurround.
 
Counting the days po.
 
Gua ai di.
 
ingat palagi, ha?
Mahal
YLBnoel.wordpress.com
noel0514.multiply.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s